a photo-text catalog of home-style vegetarian/vegan dishes, personal and family matters, and more, including some original songs and thoughts on various subjects.
Saturday, January 17, 2015
kalamansi concentrate
mura ang kalamansi ngayon kumpara sa nakaraan. ngayon ay P30 isang kilo; dati umabot ng P60 isang kilo. sa ilang pamilihan kasing baba ng P25 isang kilo. siguro kung isang sako, malamang mas mababa pang makukuha.
eh, pag ganitong panahon, gumagawa ako ng kalamansi concentrate. masarap, malinamnam, at masustansyang inumin, mainit man o malamig and timpla.
napakadaling gawin at napakadaling hanapin ng mga sangkap. honey, o pulot-pukyutan, lang ang medyo mahal at di-karaniwang nahahgilap, (kung maselan-selan ka at ang nais mo ay mas espesyal na klase,) sa pamilihang bayan.
eto ang mga sangkap:
2 cups katas o juice ng 1 kilong kalamansi
2 cups pinagpigaan (itabi ang mga buto't balat ng kalamansi pagka-piga, at lagyan ng mga 2 cups ng tubig, at muling pigain)
1 kilong asukal na segunda o washed sugar
500 ml tubig o purified water
3-4 Tbsp pulot-pukyutan o honey
papaano gawin:
1) tunawin ang asukal sa tubig, sa isang malalim na kaserolang stainless.
2) pakuluan ng 2 minuto, habang hinahalo ng malumanay.
3) patayin ang apoy, at palamigin ang syrup ng mga 10-15 minuto.
4) ihalo ang pinagpigaan, at haluin ng mabuti
5) ihalo ang katas o juice ng kalamansi, haluin muli.
6) ihalo ang pulot-pukyutan, at haluin hanggang matunaw ng mabuti.
maglagay ng 1 bahagi ng kalamansi concentrate, sa 8 bahagi ng tubig. lagyan ng maraming yelo.
maligayang pag-inom !!! =D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment